Thursday, February 18, 2016

Ang Huling Paghuhukom


"Bakit ka takot, may ginawa ka bang masama?" Itong tanong na ito ay gumugulo sa pag-iisip ng mga seminarista kapag papalapit na ang buwan ng Oktubre at Marso; malamang ito na naman ang pinakamadugong panahon kapag ikaw ay nasa loob ng seminaryo, kung papatuluyin ka ba sa iyong paglalakbay o hindi na? Well malalaman natin yan sa huli.

Ibat't ibang pakulo ang mapapansin mo kapag malapit na ang mga panahon na iyon. Para bang isang kandidato na namimigay ng kung ano-ano at tulong para lang hindi mabigyan ng negative feedback sa evaluation paper. May iba din na para bang una mo lang nakikita na mabait, o talagang nagbabait-baitan lang, mahirap na. May iba din na parang isang anghel kapag kaharap ang mga formators, eh kapag nakatalikod naman sila, sila din ang pag-uusapan. Minsan pa nga ginagaya ang kanilang mga kadalasang ginagawa (mannerism ba); sa boses man o sa kanilang pagkilos. Ito ang mga nangyayari sa loob ng seminaryo. But wait, there's more! May mas malala pa dyan.

Sa seminaryo, Likas na sa mga seminarista ang pagiging madasalin. Yun bang nag-mimeditate na parang nakasakay sa isang bus. Bagsak sa kanan, bagsak sa kaliwa ang ulo na para bang nag e-stretching o di lang talaga malabanan ang antok, eh halata naman pag sa likod ka nakaupo. Meron ding iba na nasa pina-kalikod na bahagi ng chapel nakaupo, sakto nasa altar si Father busy sa pagmimisa, matatabunan ng nasa harapan kapag sakaling makatulog. Pero mas malala yung mga hindi nag aattend ng misa kase may sakit daw, pero pagdating ng hapon, ayun nasa basketball court na naka sports attire, makiki laro yata, eh bawal pa naman yan.

Ang mga seminarista, palaban din yan pagdating sa pag-aaral. Yun bang pagpasok pa nga lang sa classroom, saktong pag-upo, magbilang kalang ng limang minuto eh tulog na kaagad. Pero pag pinapatayo naman para sa recitation, nakakasagot din naman? Daig pa yung mga seryoso sa klase. Ang laki talaga ng tulong ng Expository Writing class sa curiculum, yun bang gumagawa ng reflection paper kahit 20 minuto nalang para sa submission pero nakakapasa parin? Gaya din pag may reporting o paparating na exams. Yun bang may nangangatok sa iyong pintu-an sabay sabing "Bai bukas na pala noh? May kape ka dyan? Study tayo ngayon gabi, sayang ang oras" Eh matagal ng nasayang ang oras brad!

Talaga nga namang masaya ang tumulong sa ibang tao, lalo na pag usapang Espiritwal. Sa seminaryo, isa sa mga pinag-aabalahan ng mga seminarista tuwing sasapit ng Linggo ay ang pagpunta sa apostolate area.Masaya ang mga seminarista kasi makakalabas na naman. Gigising ng maaga para makahabol sa misa, mahirap na baka pagalitan na naman ni Father. Pagkatapos nga naman ng Bible sharing di talaga maiwasan na hindi makainom sa kalagitnaan ng apostolate, sabi nga ng mga nakakatandang seminarista na parte raw ito ng misyon; yun bang tatanggapin mo yun inaalok sayo ng ibang tao. Meron din iba na nakikinood lang ng TV sa may bahay, malungkot na katotohanan na walang TV sa seminaryo. Eto pinakamalupit, dadaan muna sa SM o sa park para mamasyal o mag food trip bago babalik sa seminaryo. Huwag ka lang magpahuli.


Isa sa pinaka-importanteng dimensyon na dapat pangalagaan sa loob ng seminaryo ay ang relasyon mo sa komunidad. Marami talagang mabait sa seminaryo, lalo na kapag may kailangan. Yun bang tatawagin ka sa pinakamagandang maitawag sayo para mapasagot ka lang ng “Oo, tutulungan kita”, at kapag ikaw naman ang nangangailangan marami pang rason para makaiwas. Ganyan lang yan eh. Ang maganda lang sa buhay komunidad ay kapag wala kang Toothpaste o extrang sabon pwede kang humingi na walang bayad, maliban lang sa panghihiram ng toothbrush. Nyacks! Kadiri naman yun. Di ko talaga makalimutan yung nauso ang skin desease sa seminaryo. Ewan ko lang kung ano ang pinag pasapasahan nila.
Sa lahat ng bagay, mga seminarista nagkakasundo, maliban lang kung may propheta na sip-sip na nagsusumbong sa itaas. “Lagot na naman tayo nito!”


Mga simpleng kalokohan ng mga seminarista na minsan nagiging malaking bagay sa mga paring formator. Dahilan na kinakabahan ang mga seminarista pagdating ng huling paghuhukom, o tinatawag namin to na “ Final Judgement”. Para sa iyo, okay lang lahat ng ginagawa mo, pero sa kanila hindi, Weh? Parang di naman nila naranasan noon!
Hindi naman siguro BIG DEAL yan, kung may bokasyon ka talaga. Marami nga akong kilala na naging pari na ngayon na minsan pasaway nung seminarista pa sila. Diba dre? Ang importante, patuloy mung sinusundan ang tawag ng Diyos. kahit ano man ang mangyari ay tiyak ikaw ay kanyang tutulungan. Kahit pasaway ka man, maniwala ka.

2 comments:

  1. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  2. Talagang pinalipas ko muna ng isang lingo bago magkoment para di masyado halata. hindi kasi ako yung pasaway nung seminarista pa. pati din naman ngayon pasaway pa din naman ah. jajaja. eto lang masasabi ko saiyo brad, kahit gaano ka pa ka sama, magbulakbol ka, gawin lahat ng hindi dapat...kung tinawag ka, di ka man gusto nila...mananaig pa din ang nakalaan ng Dios para sa iyo. Example ko palagi si Pedro, si Zaccharias, si Pablo at mga dakilang santo na pasaway, mandarambong, mangagantso, walang kwentang kaibigan ni Kristo, mamamatay tao...pero dahil sa pagsisisi at pagbabalik loob sa Dios, dahil sa pagmamahal nila sa Dios, dahil sa nakita nila ang tunay na buhay kapag ikay nasa Dios...bali wala ang kalokohan mo, baliwala ang pagkawalang hiya mo, baliwala ang kabalastugan mo. Anu man kapangit mukha mo sa tao, gwapo ra gihapon ka dong sa mata ng Ama mo na nagmamahal sa iyo. Si Judas goodie goodie sya diba... pero...alam na ang ending. Pero pakatandaan this doesn't mean na magloloko ka na dahil alam mo na ganito. Ang point ko lang ay di dapat mangamba kung ang puso mo ay laman ay Siya, ang Dios na sa iyo ay lumikha. Manalig ka. Pag hindi babatukan talaga kita!

    ReplyDelete